PAKSA #06 - Trahedya ni ‘Ondoy’
October 8th, 2009 tagapamagitanTANONG: Malagim na trahedyang bunga ng bagyong ‘Ondoy’ at iba pang kalamidad sa Filipinas na maaari namang iwasan kung may kaukulang paghahanda, sino ba ang may higit na kapabayaan – mamamayan o pamahalaan?
Tagapamagitan Says:
MENSAHE AT PANAWAGAN
Una muna ay nais kong ipaabot sa balana
Marudob kong pakiramay sa kay ‘Ondoy’ na biktima
Kalakip ang panalanging ang naganap na trahedya
Nawa’y hindi na maulit; tubig-baha’y humupa na;
Karamdamang dulot nito’y huwag maging epidemya,
Ang gobyerno’t mamamayan ay matuto na rin sana.
Sa malagim na trahedyang bagyong ‘Ondoy’ ang dahilan
At iba pang kalamidad na sa bansa’y nagdaraan
Na ang bunga’y pagdurusa, gutom, sakit, kamatayan
Gayong kung may paghahanda, pwede namang maiwasan,
Ay sino ba ang may higit o lalong kapabayaan –
Tayo mismong mamamayan? O ating pamahalaan?
Di layon ng BlogTalasan ang sinuman ay masisi
Subalit kung masusuri ang sanhi ng kalamiti
Sa ganito’y matutukoy ang angkop at mas mabuting
Paghahanda bago pa man ang sakuna ay mangyari;
Gobyerno o mamamayan? Kung isa lang responsable,
Sino’ng naging mas pabaya? Kayo na ang s’yang magsabi.
NG IYONG SAGOT AT KATWIRAN SA
COMMENT BOX
