September 25th, 2011 tagapamagitan

BlogTalasan ng Katwiran, narito na’t naghahamon
Sa sinumang naambunan ni Balagtas ng bendisyon
Isulit ang nalalaman, suriin ang bawat tanong
Sumalungat, makilaban, makiisa, sumang-ayon.
Tayong lahat kanya-kanya ng sariling paniwala
Ngunit ito’y hindi hadlang sa magandang ninanasa
Layunin ng BlogTalasan ay matuto tayo kapwa
Pulutin ang mabubuti, iwaksi ang masasama.
Kaya tuloy, tuloy kayo - kababayang minamahal
Na makatang mambabasa, panauhin, naligaw lang
Mag-register, pumili ng paksa’t mag-post ng katwiran
Ibahagi sa daigdig ang talas ng kaisipan!
ALAMIN ANG DETALYE KUNG PAANO MAKASASALI. BASAHIN ANG BUONG PAANYAYA
Magmungkahi ng paksa
Posted in Bayan Ko, BlogTalasan, Kultura | No Comments »
September 25th, 2011 tagapamagitan
TANONG: Higit bang nakatutulong o lalo lamang nakapipinsala ang print at broadcast media sa Pilipinas?
Tagapamagitan Says:
HAMON AT PANAWAGAN
Muli ngayong naghahamon, BlogTalasang nagtatanong:
Ang print at broadcast media ba (dyaryo, radyo, telebisyon)
Ay alin ang mas malaking epekto sa ating nasyon?
Serbisyo ba o perwisyo? solusyon o konsumisyon?
O di kaya, maganda ba o pangit ang bunga nito?
Positibo? Negatibo? Ano sa palagay ninyo?
Bukas na ang tabing nitong world wide web na entablado
Sa marunong mangatwiran nang patula, sali kayo!
MAG-LOG IN AT MAG-POST
NG IYONG SAGOT AT KATWIRAN SA
COMMENT BOX
BASAHIN ANG MGA KATWIRAN (COMMENTS)
Magmungkahi ng paksa
Posted in Bayan Ko, BlogTalasan, Media, Paksa ng BlogTalasan | 13 Comments »
October 8th, 2009 tagapamagitan
TANONG: Malagim na trahedyang bunga ng bagyong ‘Ondoy’ at iba pang kalamidad sa Filipinas na maaari namang iwasan kung may kaukulang paghahanda, sino ba ang may higit na kapabayaan – mamamayan o pamahalaan?

Tagapamagitan Says:
MENSAHE AT PANAWAGAN
Una muna ay nais kong ipaabot sa balana
Marudob kong pakiramay sa kay ‘Ondoy’ na biktima
Kalakip ang panalanging ang naganap na trahedya
Nawa’y hindi na maulit; tubig-baha’y humupa na;
Karamdamang dulot nito’y huwag maging epidemya,
Ang gobyerno’t mamamayan ay matuto na rin sana.
Sa malagim na trahedyang bagyong ‘Ondoy’ ang dahilan
At iba pang kalamidad na sa bansa’y nagdaraan
Na ang bunga’y pagdurusa, gutom, sakit, kamatayan
Gayong kung may paghahanda, pwede namang maiwasan,
Ay sino ba ang may higit o lalong kapabayaan –
Tayo mismong mamamayan? O ating pamahalaan?
Di layon ng BlogTalasan ang sinuman ay masisi
Subalit kung masusuri ang sanhi ng kalamiti
Sa ganito’y matutukoy ang angkop at mas mabuting
Paghahanda bago pa man ang sakuna ay mangyari;
Gobyerno o mamamayan? Kung isa lang responsable,
Sino’ng naging mas pabaya? Kayo na ang s’yang magsabi.
MAG-LOG IN AT MAG-POST
NG IYONG SAGOT AT KATWIRAN SA
COMMENT BOX
BASAHIN ANG MGA KATWIRAN (COMMENTS)
Magmungkahi ng paksa
Posted in Bayan Ko, BlogTalasan, Korapsyon sa gobyerno, Nasyonalismo, Paksa ng BlogTalasan | 16 Comments »
September 3rd, 2009 tagapamagitan
TANONG: Dapat bang kumandidatong Presidente ng Pilipinas si Benigno “Noynoy” Aquino III sa halalan sa taong 2010?
MAG-LOG IN AT MAG-POST
NG IYONG SAGOT AT KATWIRAN SA
COMMENT BOX
BASAHIN ANG MGA KATWIRAN (COMMENTS)
Magmungkahi ng paksa
Posted in Bayan Ko, BlogTalasan, Korapsyon sa gobyerno, Nasyonalismo, Paksa ng BlogTalasan, Politika | 11 Comments »
August 7th, 2009 tagapamagitan
TANONG: Sa muling pagkagising ng kamalayang makabayan sanhi ng pagpanaw ng dating Pangulong Corazon ‘Cory’ Aquino, ningas-kugon ba lamang ito – o patuloy na mag-aalab sa puso at diwa ng sambayanang Filipino?
MAG-LOG IN AT MAG-POST
NG IYONG SAGOT AT KATWIRAN SA
COMMENT BOX
BASAHIN ANG MGA KATWIRAN (COMMENTS)
Magmungkahi ng paksa
Posted in Bayan Ko, BlogTalasan, Karapatang Pantao, Korapsyon sa gobyerno, Nasyonalismo, Paksa ng BlogTalasan, Politika | 11 Comments »