October 8th, 2009 tagapamagitan
TANONG: Malagim na trahedyang bunga ng bagyong ‘Ondoy’ at iba pang kalamidad sa Filipinas na maaari namang iwasan kung may kaukulang paghahanda, sino ba ang may higit na kapabayaan – mamamayan o pamahalaan?

Tagapamagitan Says:
MENSAHE AT PANAWAGAN
Una muna ay nais kong ipaabot sa balana
Marudob kong pakiramay sa kay ‘Ondoy’ na biktima
Kalakip ang panalanging ang naganap na trahedya
Nawa’y hindi na maulit; tubig-baha’y humupa na;
Karamdamang dulot nito’y huwag maging epidemya,
Ang gobyerno’t mamamayan ay matuto na rin sana.
Sa malagim na trahedyang bagyong ‘Ondoy’ ang dahilan
At iba pang kalamidad na sa bansa’y nagdaraan
Na ang bunga’y pagdurusa, gutom, sakit, kamatayan
Gayong kung may paghahanda, pwede namang maiwasan,
Ay sino ba ang may higit o lalong kapabayaan –
Tayo mismong mamamayan? O ating pamahalaan?
Di layon ng BlogTalasan ang sinuman ay masisi
Subalit kung masusuri ang sanhi ng kalamiti
Sa ganito’y matutukoy ang angkop at mas mabuting
Paghahanda bago pa man ang sakuna ay mangyari;
Gobyerno o mamamayan? Kung isa lang responsable,
Sino’ng naging mas pabaya? Kayo na ang s’yang magsabi.
MAG-LOG IN AT MAG-POST
NG IYONG SAGOT AT KATWIRAN SA
COMMENT BOX
BASAHIN ANG MGA KATWIRAN (COMMENTS)
Magmungkahi ng paksa
Posted in Bayan Ko, BlogTalasan, Korapsyon sa gobyerno, Nasyonalismo, Paksa ng BlogTalasan | 16 Comments »
September 3rd, 2009 tagapamagitan
TANONG: Dapat bang kumandidatong Presidente ng Pilipinas si Benigno “Noynoy” Aquino III sa halalan sa taong 2010?
MAG-LOG IN AT MAG-POST
NG IYONG SAGOT AT KATWIRAN SA
COMMENT BOX
BASAHIN ANG MGA KATWIRAN (COMMENTS)
Magmungkahi ng paksa
Posted in Bayan Ko, BlogTalasan, Korapsyon sa gobyerno, Nasyonalismo, Paksa ng BlogTalasan, Politika | 11 Comments »
August 7th, 2009 tagapamagitan
TANONG: Sa muling pagkagising ng kamalayang makabayan sanhi ng pagpanaw ng dating Pangulong Corazon ‘Cory’ Aquino, ningas-kugon ba lamang ito – o patuloy na mag-aalab sa puso at diwa ng sambayanang Filipino?
MAG-LOG IN AT MAG-POST
NG IYONG SAGOT AT KATWIRAN SA
COMMENT BOX
BASAHIN ANG MGA KATWIRAN (COMMENTS)
Magmungkahi ng paksa
Posted in Bayan Ko, BlogTalasan, Karapatang Pantao, Korapsyon sa gobyerno, Nasyonalismo, Paksa ng BlogTalasan, Politika | 11 Comments »
April 6th, 2008 tagapamagitan
TANONG: Sa kaso ni Neri na tumangging sagutin ang ilang katanungan sa pagdinig ng Senado hinggil sa kontrobersyang ZTE National Broadband Network Deal, alin ba ang nararapat bigyan ng higit na pagpapahalaga: Pribilehiyong Ehekutibo ng Pangulo? o Karapatan ng Mamamayan na Malaman ang Katotohanan?
MAG-LOG IN AT MAG-POST
NG IYONG SAGOT AT KATWIRAN SA
COMMENT BOX
BASAHIN ANG MGA KATWIRAN (COMMENTS)
Magmungkahi ng paksa
Posted in BlogTalasan, Karapatang Pantao, Korapsyon sa gobyerno, Paksa ng BlogTalasan, Politika | 11 Comments »
March 22nd, 2008 tagapamagitan
TANONG: Dapat ba o hindi dapat magpatuloy sa tungkulin bilang Pangulo ng Pilipinas si Ginang Gloria Macapagal-Arroyo hanggang sa taong 2010?
MAG-LOG IN AT MAG-POST
NG IYONG SAGOT AT KATWIRAN SA
COMMENT BOX
BASAHIN ANG MGA KATWIRAN (COMMENTS)
Magmungkahi ng paksa
Posted in BlogTalasan, Korapsyon sa gobyerno, Paksa ng BlogTalasan, Politika | 23 Comments »