TULA
Ang koleksyong ito ay binubuo ng mga tulang nagpapahayag ng iba't ibang karanasan, damdamin at kaisipan ng marami sa ating mga kababayang OFWs at mga mahal sa buhay.
- Ang Bagong Bayani - Bayani kung ituring ng gobyerno ng Pilippinas ang mga OFWs. Bayani rin kaya ang pagtrato nito sa kanila?
- Sukli Sa Kabayanihan - Ang tunay na kabayanihan ay hindi naghihintay ng anumang kabayaran. Kadalasan ay bayani pa nga mismo ang sinisingil at nagbabayad nang mahal.
- Pag-asa Ng Bayan - Ang buhay, wika nga, ay weather-weather lang. Minsan, nasa ilalim. Minsan, nasa ibabaw. Anuman ang maging kapalaran, huwag ka nang umasa pa sa pamahalaan.
- Pilipino, Dakila Ka - Si Deenah ay hindi nag-iisa sa mapait nitong karanasan. Tunghayan mo ang kanyang salaysay, at pagkatapos ay tanungin mo ang iyong sarili: Pilipino, dakila ka nga ba?
- Ang Kapal - Sa Pilipinas ay maraming makapal. Kilala mo marahil ang ilan sa kanila.
- Hello - Magiliw na pagbati mula sa kapwa. Nauunawaan ng kahit na sinong lahi, kahit saan mang bansa. Sa Pilipinas, ang "Hello" ay tila isang mapait na sumpa.
- Iba Talaga Sa Abroad - Bawa't manggagawang nangingibang-bansa ay nangangarap na guminhawa ang buhay ng pamilya. Ilan kaya ang natutupad, at ilan ang nananatiling pangarap?
- Balikbayan Boxes - Iba ang batas, paniniwala at kultura – at antas ng panganib – na naghihintay sa mga manggagawang nandadayuhan sa ibayong lupain. Sa kabila ng mga sinisingil ng Pamahalaang Pilipinas sa mga OFWs bago sila payagang makaalis nang legal sa bansa, limitado at kung minsan pa nga ay wala ito magawa (o ginagawa) para proteksyunan ang buhay at karapatan ng mga itinuturing nitong Bagong Bayani, kapag nagkaproblema sa ibayong-dagat.
- Ako Ay Pilipino - Salapi o dangal? Dangal o salapi? Sana, kung hindi rin lang kaya ng Pamahalaang Pilipinas ang lumikha ng maraming disenteng trabaho sa bansa ay magpaimprenta na lang ito ng maraming-maraming salapi para sa mga Pilipinong nangangailangan nito. Para hindi na sila dumayo at doon pa maghanap ng pera sa ibang bansa.
- Valentine's Card - Noong hindi pa uso ang internet, chat at email, ang pakikipagsulatan o pakikipagpenpal sa naiwang mahal sa buhay ay isang paraan upang manatiling magkalapit ang puso ng mga nagmamahalang malayo sa isa't isa.
- Magaling Ang Pinoy - Saan ba magaling ang Pinoy? Sa marraming bagay, Pinoy ang Number One!
- Hanggang Edsa Na Lang - Mabuhay! Welcome! Kaysarap ng pakiiramdam kapag mainit ang pagsalubong sa iyo ng bansang pinupuntahan.
- Inay... Itay... - Alang-alang sa magandang kinabukasan ng mga anak kaya nagtitiis ang maraming ama at ina na mapawalay at mapalayo sa kanilang supling.
- Sayang - Ano nga ba ang nami-miss ng mga kababayan nating nasa abroad at marami sa kanila ang nangungulila o naho-homesick?
- Batang Saudi - Kapag minsang lumapit ang kapalaran, dapat itong pagyamanin at pakaingatan, upang hindi mawala at hindi masayang.
- Application Form - Nakalipad na rin sa wakas ang aking kaibigan – pagkalipas ng apat na taong pagpa-follow up at paglalagay. Ikaw, gusto mo rin bang makalipad?
- Seaman - Kahit mahirap ang trabaho sa barko, kayang-kaya ito ng mga Pinoy. Ang totoo, sa mga sandaling wala silang gawaing pinagkakaabalahan higit na nagdaranas ng paghihirap – ng kalooban – ang ating mga Bayani sa Karagatan.
- Paalam, My Love - Nagkatagpo at nagkaibigan... sa maling llugar, at maling panahon.
- Green Card Holder - Kung minsan, higit pa sa diploma at workk experience ang kailangan para makapunta sa Amerika at makapanirahan doon ng legal.
- Bitin - Tunay na kalagayan ng isang kamag-anak na OFW ang nagsilbing batayan at nagbigay ng inspirasyon upang maisulat ang tulang ito.
- Ang Bigong Bayani - Hindi kailangan ng Pilipinas ang isang mahusay na ekonomistang pinuno upang malaman ang tunay na estado ng ekonomya ng bansa.
- Kapag ang Pangulo - Ang posisyon ng Pangulo ang pinakamataas sa buong bansa, at dapat itong gamitin hindi para sa kapananan ng sarili at mga kaalyado sa pamahalaan, kundi para sa bayang kanyang sinumpaang paglingkuran.







