
BUGSO NG GUNITAni Bert Cabual
ng London, United
Kingdom
|
|||
![]() (3) Nasa Isip Kita, Nayon Ko! |
(4) Ito Ba ang London? |
![]() (5) London at Maynila |
|
![]() (6) Sipag-Pilipino |
![]() (7) Hawig ng Palad |
![]() (8) Paghanga |
![]() (9) Kamanyang kay Pina |
|
PASINTABI
Hinihiling ko pong
ako ay tulutang
magsaysay ng aking mga pinagdanan; sa dukha kong nayon mula nang lumisan, hanggang sa pagsipot ng kasalukuyan. Di man makalugod ay baka sakaling may pagkaing-isip na maitatangi; na sa ibang lupa’y sa pamamalagi, may mangisa-ngisang aral na mapili. Nagtungo sa London: ako nga ba’y sino, mapangarapin man ay dukhang katoto; mapagkikilalang ako’y Pilipino sa pananalita’t tatag ng prinsipyo. Tangi sa hangaring aliwin ang diwa ng kababayan kong nangingibang-lupa; mithi ring ang tatak ng sariling wika nating Pilipino’y maipabandila. May ilang pangalan ng lugar at dako na sa pagsasaysay ay kusang binago; at gayon din naman may ngalan ng tao, dito’y pinalitan sa likod ng kwento. Ang dahila’y upang mapangalagaan ang puri ng mga walang kinalaman; layon naming walang pusong masugatan ng mga tulaing sa babasa’y alay. Hindi ko gagawing totoong mahaba ang pasakalye kong magpugay ang nasa; itong kasaysaya’y sisimulang kusa— pamamaalam kong natigmak ng luha! |
|||
| PASINTABI | PAALAM, MAHAL KO! | NASA ISIP KITA, NAYON KO | ITO BA ANG LONDON? | LONDON AT MAYNILA | SIPAG-PILIPINO | HAWIG NG PALAD | PAGHANGA | KAMAYANG KAY PINA | |||
PAG ANG PUSO'Y NAPUSOY | BUTAS NA MEDYAS | BUGSO NG GUNITA