
BUGSO NG GUNITAni Bert Cabual
ng London, United
Kingdom
|
|||
| (4) Ito Ba ang London? |
![]() (5) London at Maynila |
||
![]() (6) Sipag-Pilipino |
![]() (7) Hawig ng Palad |
![]() (8) Paghanga |
![]() (9) Kamanyang kay Pina |
|
NASA
ISIP KITA, NAYON KO
Kumakaway
sila noong aking iwan,
nang sa eroplano ako ay lumulan; may luha sa mata ang asawang hirang, saka ang bunso kong buhay n’yaring buhay. Paglalayo nami’y di pa dinaranas, kung kaya ang dusa’y kaaki-akibat; nang ang sinasakya’y simulang umusad, sikil ang luha kong puso’y naghihirap. Unang paglalakbay doon sa ibayo, sa Londong di batid ang uri ng tao; paglampas sa ulap noong eroplano, diwa’y di mawari sa paninibago. Nagbalik sa isip ang naiwang nayon, sa ang kanayon ko’y tigib ng linggatong; minsa’y masaya rin at naglilimayon, kahi’t dugo’t pawis ang pantawid-gutom. Mga kanayon ko’y mayro’n ding hangaring makapangibayong-lupa ay danasin; limpak daw salapi’y doon kikitain, sa sariling bansa’y di kayang hanapin. Nguni’t hindi nila napapasa-isip, ang katumbas nito’y kirot at pasakit; ang rangya’t salapi kaya’y maging sulit sa pangungulilang hagupit ng langit. Sa paglalakbay ko’y hindi makatulog, pikit ang mata kong luha’y umaagos; lumbay na sa diwa’y di matapus-tapos ay apoy na waring sa aki’y tutupok. |
|||
| PASINTABI | PAALAM, MAHAL KO! | NASA ISIP KITA, NAYON KO | ITO BA ANG LONDON? | LONDON AT MAYNILA | SIPAG-PILIPINO | HAWIG NG PALAD | PAGHANGA | KAMAYANG KAY PINA | |||
PAG ANG PUSO'Y NAPUSOY | BUTAS NA MEDYAS | BUGSO NG GUNITA