
BUGSO NG GUNITAni Bert Cabual
ng London, United
Kingdom
|
|||
![]() (3) Nasa Isip Kita, Nayon Ko! |
![]() (5) London at Maynila |
||
![]() (6) Sipag-Pilipino |
![]() (7) Hawig ng Palad |
![]() (8) Paghanga |
![]() (9) Kamanyang kay Pina |
ITO
BA ANG LONDON?
Sumadsad sa
lupang panaho’y taginaw
yaong eroplano naming sinasakyan; ito ba ang London?—bansang inaasam, pag-asang hahango sa karalitaan. Nang sa paliparang gusaling malaki ay magsunud-sunod na manaog kami; mga awtoridad doong nagsisilbi, sa pagsisiyasat ay di mapakali. Sinalang buklatin at basahing lahat yaong kasulatang taglay sa paglipad; pagka’t pasaherong di-Puti ang balat, pinagdududahang papeles ay huwad. Kaya nga ba’t ako’y inulan ng tanong, kung anong layunin sa ganito’t gayon; itinanong pa ring kung habang panahong mamumuhay ako sa lungsod ng London. Sa tanong na yaon, ako ay sumagot, “sa Londo’y di ako maninirang lubos; sa pagsisinop ko’y kapag nakaimpok, sa sariling bansa’y uuwing may lugod!” Wika ko’y di ako lubhang magtatagal na lumagi rito sa lupaing hiram; babalik din ako sa bayan kong mahal, pagka’t Pilipinong may buhay at dangal. Ang aking sinabi ay nilimi nila at ang papeles ko ay nilagdaan na; ako ay humayong buong pagtataka— bakit sa dayuhan ay ganito sila? |
|||
| PASINTABI | PAALAM, MAHAL KO! | NASA ISIP KITA, NAYON KO | ITO BA ANG LONDON? | LONDON AT MAYNILA | SIPAG-PILIPINO | HAWIG NG PALAD | PAGHANGA | KAMAYANG KAY PINA | |||
PAG ANG PUSO'Y NAPUSOY | BUTAS NA MEDYAS | BUGSO NG GUNITA