
BUGSO NG GUNITAni Bert Cabual
ng London, United
Kingdom
|
|||
![]() (3) Nasa Isip Kita, Nayon Ko! |
![]() (4) Ito Ba ang London? |
||
![]() (6) Sipag-Pilipino |
![]() (7) Hawig ng Palad |
![]() (8) Paghanga |
![]() (9) Kamanyang kay Pina |
LONDON
AT MAYNILA
Sa pangalwang araw
ng aming pagdating
sa itinalagang tinulugang otel; may nagpaliwanag ng marapat gawin, saka tinulutang papasyal-pasyalin. Ang paligid-ligid ay aming pinasyal— Hampstead, Piccadilly, Victoria’y nilakbay; at saka ang bantog na sa Londong tulay ay buong paghangang pinagmasdan-masdan. London at Maynila’y kung paghahambingin, di nagkakahuli sa unang pagpansin; maganda ang London sa aking paningin, kay sigla kung araw , kung gabi’y maningning. Nguni’t ang Maynila’y bagama’t may sigla at may paningning ding kung gabi’y masaya; doon ay may pook na pangmalik-mata, basura’t estero na nakasusuka. Sa Lungsod ng Londo’y mayroon din kaya na bunton ng taong limahid at dukha? sa lugar bang itong balumbon ng rangya’y may patay-gutom ding kawawa at aba? Ang lamig ng hangin habang naglalakad ay dapyong tumimo sa buto ko’t balat; kalamigang yao’y habang nalalanghap, nasasa-diwa ko ang bansa kong liyag. Ang Pilipinas kong laging nagbabata ay di matatalo sa kiyas at ganda; danga’t may kuhilang nagsasamantala sa pawis at dugo ng bayan kong sinta. |
|||
| PASINTABI | PAALAM, MAHAL KO! | NASA ISIP KITA, NAYON KO | ITO BA ANG LONDON? | LONDON AT MAYNILA | SIPAG-PILIPINO | HAWIG NG PALAD | PAGHANGA | KAMAYANG KAY PINA | |||
PAG ANG PUSO'Y NAPUSOY | BUTAS NA MEDYAS | BUGSO NG GUNITA