Site menu:

 SEND EMAIL

 

THANKS TO OUR SPONSORS







ads - group 5
ads - group 6
PAG ANG PUSO'Y NAPUSOY  |  BUTAS NA MEDYAS  |  BUGSO NG GUNITA


BUGSO NG GUNITA

ng London, United Kingdom
 Bugso ng Gunita - Pasintabi
 Bugso ng Gunita - Paalam, Mahal Ko!
 Bugso ng Gunita - Nasa Isip Kita, Nayon Ko
(3) Nasa Isip Kita, Nayon Ko!
 Bugso ng Gunita - Ito ba ang London?
(4) Ito Ba ang London?
 Bugso ng Gunita - London at Maynila
(5) London at Maynila
 Bugso ng Gunita - Hawig ng Palad
(7) Hawig ng Palad
 Bugso ng Gunita - Paghanga
(8) Paghanga
 Bugso ng Gunita - Kamanyang Kay Pina
(9) Kamanyang kay Pina 

SIPAG-PILIPINO

Bugso ng Gunita - Sipag-Pilipino

Tulad ng pangakong iniwan sa amin,
nagmasinop ako sa aking gawain;
ang panaho’y di ko ibig palipasing
walang asikaso sa mga tungkulin.

Pakaliwa’t kanan ng trabahong hawak,
inalam kong lipos ng tiyaga’t sikap;
naging masunurin sa bawa’t iatas—
isang Pilipinong balita sa sipag.

Ako ay Porterong nangangalankadakang
maglingkod nang tapat at buong pitagan;
pagka’t ang gusaling kinabibilangan
ay kilalang otel sa uri’t pangalan.

Ako’y ginaganyak ng isang layuning
maabot ang antas ng gintong mithiin;
pinupukaw ako ng piping dalanging
anak at asawa ay paligayahin.

Sila ang dahilan ng pagkamasinop,
sila ang sigliwa ng gawang maayos;
nilalagom ako maging sa pagtulog
ng pananagutan sa naiwang irog.

Sa mga paggising sa bawa’t umaga,
puso’y binubusog ng bagong pag-asa;
tatag ng damdamin sa pamamanata
ang ginagamit kong lakas at sandata.

Isina-isip kong loob ng Batahala
na puhunanin ko ang pawis at luha;
malayo man ako sa sariling lupa,
iwing kasipagan ay isang biyaya.

PASINTABI | PAALAM, MAHAL KO! | NASA ISIP KITA, NAYON KO | ITO BA ANG LONDON? | LONDON AT MAYNILA | SIPAG-PILIPINO | HAWIG NG PALAD | PAGHANGA | KAMAYANG KAY PINA
Mga katha ni Bert Cabual na matatagpuan sa sayt na ito
Tula:  Ang Makata at ang Alak | Kamanyang Kay Manny Pacquiao | Si Quezon at ang Wika | Soneto kay Paeng | Noynoy: Asin at Ilaw | Kaluluwa ng Lahing Marangal | Maligayang Pasko    
Kwentula: Bugso ng Gunita
Balagtasan: Bata at Pamalo | Si Manny Pacquiao at ang Politika | Dagdag na taon sa Haiskul  
Sanaysay: Saltik-Panitik: Balagtasan
Maikling Kuwento: Ang Dasalan ni Belen | Isang Libo't Isang HalikMay Lihim ang Bahay-bahayan | Mayo at Disyembre | Si Mang Estong


PAG ANG PUSO'Y NAPUSOY  |  BUTAS NA MEDYAS  |  BUGSO NG UNITA