
BUGSO NG GUNITAni Bert Cabual
ng London, United
Kingdom
|
|||
![]() (3) Nasa Isip Kita, Nayon Ko! |
(4) Ito Ba ang London? | ||
![]() (5) London at Maynila |
![]() (6) Sipag-Pilipino |
![]() (8) Paghanga |
![]() (9) Kamanyang kay Pina |
HAWIG NG PALAD ![]() Sa otel na ako ay isang tauhan, iba’t ibang lahi ang doo’y kabilang; may mga Kastila, Portogesa, Indyan, at iba pang liping balat ay may kulay. May tawanan kami’t palitan ng biro, panlunas sa aming kapagura’t hapo; hindi man kalahi’y kanilang nakuro— pakisamang-Pinoy ay taos sa puso. Kahalubilo ko sila araw-araw sa pakikitalad sa laro ng buhay; sa pagsama-sama’y aking nawatasan ang alamat nila at pinanggalingan. Kaya nandayuhan, aking naulinig, pagka’t bansa nila’y tigib din ng hapis; sila ma’y dukha ring nagpapakasakit, mahango sa lumbak ng basag na langit. Minsa’y kausap ko ang isang Kastila na napilitan ding mangibayong-lupa; iniwan din niya ang kaawa-awang inirog sa buhay habang lumuluha. Isinaysay niyang siya’y disgrasyada, may naiwang anak sa pagkakasala; ipinaaruga doon sa Espanya ang irog na bunso sa matandang yaya. Ang yayang sa anak umaasikaso ay pinadadalhan ng buwanang sweldo; sa pana-panahon ay sinusutento ang supling na mahal nang di mamamagkano. Sa gayo’y kumislap sa aking isipan ang lupit ng kanyang naging kapalaran; hawig ng sa aking mga kababayang nadapa sa lusak na kababaihan. |
|||
| PASINTABI | PAALAM, MAHAL KO! | NASA ISIP KITA, NAYON KO | ITO BA ANG LONDON? | LONDON AT MAYNILA | SIPAG-PILIPINO | HAWIG NG PALAD | PAGHANGA | KAMAYANG KAY PINA | |||
PAG ANG PUSO'Y NAPUSOY | BUTAS NA MEDYAS | BUGSO NG GUNITA