GONIE T. MEJIA
Pang-apat sa panganay na labing dalawang magkakapatid, ako ay isinilang
noong Disyembre 21, 1950 sa Barangay Caluluan, Concepcion, Tarlac.Ang aking ama ay si Lucas Mejia at ang aking ina ay si Angelina T. Mejia. Kapwa sila magbubukid.
Nakatapos ako sa mababang paaralan ng nasabing baryo at pinalad namang mapagtapusan ang high school sa FEATI University (Maynila) sa suporta ng aking mga mahihirap na magulang at gayon din sa aking sariling sikap. Naghahanapbuhay ako noon sa araw bilang piyon sa konstruksyon at nag-aaral naman sa gabi.
Nagpatuloy ako ng pag-aaral sa kursong BSME (Mechanical Engineering) nguni't sinawimpalad na mapatigil sa kalagitnaan ng aking kurso dahilan sa kahirapan at kalusugang hindi nakibagay.
Naging Collector/Contractor ako ng NWSA sa loob ng dalawang taon, Special Messenger ng Litton Mills, at naging Insurance Adjuster.
Nakilala at nakaisang-dibdib ang dating Lorna Enriquez ng Bacoor, Cavite, kami ay may limang malulusog na anak na tatlong lalaki at dalawang babae.
Sa hangaring makatikim ng higit pang ginhawa, nag-apply ako bilang farmer sa Saipan na kinasihan naman ng kapalaran, at ako ay tumulak noong Setyembre 18, 1986. Sa kapakanan ng pamilya ang lahat ay kaya kong tiisin, dahilan para hanggang ngayon ako ay nakikipaghanapbuhay pa sa nasabing isla. (GTM)
September 18, 1995
Saipan, CNMI
MGA ISINULAT
NI GONIE T. MEJIA NA MATUTUNGHAYAN SA WEB SITE NA ITO
TULA
BALAGTASAN
- Pagsasawalang-kibo ng naaapi
- Kapisan sa bahay na biyenan
- Tahanan vs. paaralan
- Maganda vs. pangit
- Mahal mo vs. mahal ka
- Matalino vs. mayaman
- Boksingerong anak
- Diborsyo sa Pilipinas
- Pusher na kaibigan
- Paglahok sa pulitika
- Pagsasabi ng totoo
- Kapit sa patalim
- Katotohanan sa pamamahayag
- Bakla sa PNP
- Pakialam sa pag-ibig ng anak
- Panghihimasok sa buhay ng iba
- Pag-asa
ng bayan
RAFAEL PULMANO | LAURA BALATBAT-CORPUZ | ELVIE ESPIRITU | GONIE MEJIA | BAYANI CAMBRONERO | DOMINGO TOLENTINO | EMMA MALACA | JULIET ASENITA | PERT MAGTAPAT PASTOR GAGARING








