Site menu:

 



Bheng Arellano
Juliet Asenita
Bert Cabual
Rosie de Mesa-Bueno
Bayani Cambronero
Laura Balatbat-Corpuz
Elvie Espiritu
Pastor Gagaring
Pert Magtapat
Emma Malaca
Gonie Mejia
Rafael Pulmano
Domingo Tolentino
Zack

SIGN GUESTBOOK VIEW GUESTBOOKSEND EMAIL

TUNGKOL SA SAYT NA ITO

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

THANKS TO OUR SPONSORS







ads - group 5
ads - group 6
RAFAEL PULMANO | LAURA BALATBAT-CORPUZELVIE ESPIRITUGONIE MEJIA | BAYANI CAMBRONERODOMINGO TOLENTINOEMMA MALACA | JULIET ASENITAPERT MAGTAPAT | PASTOR GAGARINGROSIE DE MESA-BUENO  |  BERT CABUAL |  BHENG ARELLANO | ZACK   

 

DOMINGO TOLENTINO

(KA DOMENG)

 

Si Domingo Tolentino ay isinilang sa Baryo San Miguel, Calumpit, Bulacan noong Disyembre 24, 1954.  At dahil sa maagang naulila sa ina ay namulat siya sa mahirap na buhay.

Bagama't hindi siya nakatapos ng pag-aaral ay pinagsikapan niya ang matutuhan ang lahat ng klase ng trabaho.  Siya ay naging electrician, karpentero, at kung wala siyang trabaho sa construction ay bumibili siya ng mga kalabaw na nagmumula sa Zambales at dinadala sa Bulacan.

Nakilala siya sa taguring Ka Domeng sa iba't ibang bayan sa Bulacan at Pampanga dahil sa taglay niyang talino sa pagtula.  Kadalasan ay nakukumbida siya na nagpuputong ng korona ng patimpalak sa mga piyestahan.  Sa ganitong pangyayari niya nakilala si Mheng Esguerra na ngayon ay Mheng Tolentino, at sila ay nakasal noong ika-7 ng Hunyo 1987.

Noong Pebrero 10, 1991 ay nakarating dito sa Saipan si Ka Domeng at nagsimula ang bago niyang daigdig.  Naging kasapi siya ng Samahang Makata sa Saipan at naging pangalawang pangulo siya nito.  Dahil sa napakarami na ng tulang isinahimpapawid niya sa KSAI, ay marami rin ang nalathala sa Saipan Balita.  Si Ka Domeng ay nagkubli rin sa sagisag na Capricorn 54.  Nakakasama rin siya sa mga Balagtasan bilang Lakandiwa.

Iyan po si Domingo Tolentino, nakilala bilang Ka Domeng at Capricorn 54 dito sa Saipan.  (DT)


July 1995
Saipan, CNMI



Mga katha ni Ka Domeng na matatagpuan sa sayt na ito
Tula: Damdamin 
Balagtasan: Matalino vs. mayaman

RAFAEL PULMANO | LAURA BALATBAT-CORPUZELVIE ESPIRITUGONIE MEJIA | BAYANI CAMBRONERODOMINGO TOLENTINOEMMA MALACA | JULIET ASENITAPERT MAGTAPAT | PASTOR GAGARINGROSIE DE MESA-BUENO  |  BERT CABUAL |  BHENG ARELLANO | ZACK   

 

jia | Rudolf Miranda | Rafael Pulmano | Domingo Tolentino | Zack