Site menu:

SIGN GUESTBOOK VIEW GUESTBOOKSEND EMAIL

 

THANKS TO OUR SPONSORS







ads - group 5
ads - group 6
BILANGIN ANG IYONG MGA PAGPAPALA  |  WALANG PANAHON  |  KALIMUTAN MO NA
KAYA MO KUNG INIISIP MO  |  KAHAPON, NGAYON, AT BUKAS  |  DESIDERATA



BILANGIN ANG IYONG MGA PAGPAPALA

Salin sa Filipino ni Rafael A. Pulmano


Kapagka may mga
Sandaling madilim at sadyang kulimlim
Isipin mo lamang ang sikat ng araw

Kapag mayroon kang
Kinakailangang tapusing gawain
Isipin ang iyong mga paglilibang

Kapag may mahaba,
Malubak na landas na dapat lakbayin
Isipin ang dulong nasa katapusan

Kapag nadaramang
Wari'y nawawala't nag-iisa mandin
Isipin ang isang tapat na kaybigan

Kapag bagay-bagay
Ay hindi maayos ang takbo at suling
Isipin ang noong sila'y ayos naman

Kapag nadarama
Iyang kalungkutan, ay dili-dilihin
Ang napakaraming biyayang nakamtan.

BILANGIN ANG IYONG MGA PAGPAPALA  |  WALANG PANAHON  |  KALIMUTAN MO NA
KAYA MO KUNG INIISIP MO  |  KAHAPON, NGAYON, AT BUKAS  |  DESIDERATA