Site menu:

SIGN GUESTBOOK VIEW GUESTBOOKSEND EMAIL

 

THANKS TO OUR SPONSORS







ads - group 5
ads - group 6








































Bagong dagdag na pahina:
Hulyo 2, 2010
SALI KA, KABAYAN

Bheng Arellano - Sa Harap ng Puntod Mula sa panulat ni

BHENG ARELLANO

London, United Kingdom


Belen Arellano - May Paninindigang Di MaaapulaMAY PANININDIGANG DI MAAAPULA


Tala kang sumipot
Sa binging karimlan at bulag na hardin;
Subali’t dinig ka ng lunong panimdim
At nakikita ka ng kiming paningin;
May taynga ang dahong sariwa’t magaling
At may sampaguitang ang mata’y may ningning;
Pag-ibig kang handog.

Ang iyong pangako
Ay isinusulat sa pahat na diwa,
Pagka’t ang mithi mo ay malabathala;
Ibig kong ilangkap sa pagkamakata
Ang nota ng iyong dalisay na nasa
At paninindigang di maaapula;
Lunas ka ng puso.

Dila mo’y may apoy
Na ibig sumila sa kuhila’t linsil;
Ang katarungan mo ay ipatitikim
Sa mga pilato at hudas na taksil;
Di mo papayagang muli pang sikilin
Ang nagbangong dangal ng aping salamin;
May tapang ka, Noynoy.

At ang hangad mo pa
Na lalong dakilang hindi magwawakas,
Bayan ay ibangong tungo sa pag-unlad;
Buhol ng dalitang  di makalas-kalas
Sa wagas mong pita’y ikaw ang kakalag;
O, Pangulong Noynoy, pasan ma’y mabigat,
Di ka nag-iisa!!!


Mga kaugnay na katha:

Noynoy: Asin at Ilaw
ni Bert Cabual

Sa Bagong Pangulo
ni Sabicnaco Macauwi


Tunghayan din:

BlogTalasan ng Katwiran

PAKSA #05 - Noynoy for President?
TANONG: Dapat bang kumandidatong Presidente ng Pilipinas si Benigno "Noynoy" Aquino III sa halalan sa taong 2010?

PAKSA #04 - Paalam, Cory...Paalam, 'Democracy?'
TANONG: Sa muling pagkagising ng kamalayang makabayan sanhi ng pagpanaw ng dating Pangulong Corazon ‘Cory’ Aquino, ningas-kugon ba lamang ito – o patuloy na mag-aalab sa puso at diwa ng sambayanang Filipino?





Mga katha ni Bheng Arellano na matatagpuan sa sayt na ito
Tula: Lihim | Sa Harap ng Puntod |  May Paninindigang Di Maaapula
Balagtasan: Dagdag na taon sa Haiskul
Sanaysay: Budhing Inaanay | Bakit Kailangang Dagdagan ng Isa Pang Taon ang Haiskul sa Filipinas
Maikling Kuwento: Subyang sa Puso
 


SALI KA NA RIN, KABAYAN! 

ZALDY ALORAONOFRE CAMARILLOGONIE MEJIADOMINGO TOLENTINOEDU CARPENAMONALIZA MONDATAMARIA TERESA CURA REAROSELYN ALEGONZATREZ MUSKITEROSHANA BLUE 23VIC YAMBAOROLAND MANREALREGINA ROSALESLAURA BALATBAT-CORPUZ | JUVEL REMPISRAMIL ILAGANBERT CABUAL BHENG ARELLANO | ZACK  |  NOEL MALICDEM | JULIETA ASENITAJOEL SANTOS