SALI
KA, KABAYAN

Mula sa panulat ni
Taiwan
AMOEBA
Ang tahimik na gabi pag ako’y nalulungkot
Sa balkonahe’y nakaupo, pinapawi ang himutok
At sa aking pag-iisa, sa gabi’y nilulunod
Ang pagdaramdam sa puso’y hatid ay kirot
Madalas ay luha, sa nadaramang kalungkutan
Ang s’yang kapiling ko sa matigas na higaan
Kung bakit ganito ang aking kinasasapitan
Lalagi na lang ba na ako’y talunan?
Dalawang taon na nagtiis sa “bait” ng amo
Hirap ng damdamin ang laging kapiling ko
Ngayong nakauwi na sa sariling bayan ko
Malimot ko man ang lahat, nguni’t hindi ang lupit nito.
Sa ihip ng hangin, ang isip ko’y naglalakbay
Bakit ba ganito ang naging kapalaran?
Mga tanong na madalas na sumasagi sa isipan
Mga sinasamo ko’y di yata napakinggan.
Di ko sukat akalain na may dadapong amoeba
Na ayon sa mga amo, sa ‘Pinas ko pa dala
Pinatalsik sa Taiwan, baka pa raw makahawa
Kaya heto ngayon sa P.I. nagtatampo sa tadhana.
Maging sa aking pagtulog, panaginip ay kaulayaw
Ang “manufactured” na amoeba na
“na-export” sa Taiwan
Ang broker at amo, magkasabwat yata sa kasinungalingan
Mga pasakit na nakatimo sa aking puso’t isipan.
Sa naranasan kong sakit, hapdi at pait
Hanggang sa ‘Pinas, kimkim ko’y hinanakit
Budhi ko’y sumisigaw, puso ko’y nananangis
Kulang na lang, ang isakdal ko sila sa langit.
Hindi ko alam ang tunay na s’yang dahilan
Pagka-
terminate
ng huling kontratang pinirmahan
Ang pagdapo ng malupit na amoebang naligaw
O ang madalas na pagtawag ng aking mga "die-hard fans”.
Kalungkutan sa gabi ay mapapawi rin
Pagsapit ng umaga, may araw na muling magniningning
Sa kabila ng lahat, sana ako ay pagpalain
At may isa pang bukas na sa aki’y darating.
Hanggang sa muli, mga makata, katalik ko sa tulaan
Mga kaibigan, kakilala’t kababayang minamahal
Sapat nang marinig n’yo, panitik kong umuusal
Muli sa inyo’y magsasaysay…Maraming salamat!
Paalam!
Taipei, 2000
Mga katha ni Julieta O. Asenita na matatagpuan sa sayt na ito
Tula:
Amoeba |
Buhay-Makata |
Ginoong Lakandiwa |
Iba't Ibang Anyo ng Kaligayahan
Balagtasan:
Babae ang Magtatapat
SALI
KA NA RIN, KABAYAN!
ZALDY
ALORA | ONOFRE
CAMARILLO
| GONIE
MEJIA
| DOMINGO
TOLENTINO | EDU
CARPENA | MONALIZA
MONDATA
| MARIA
TERESA
CURA REA | ROSELYN
ALEGONZA | TREZ
MUSKITEROS | HANA
BLUE 23 | VIC
YAMBAO | ROLAND
MANREAL | REGINA
ROSALES | LAURA
BALATBAT-CORPUZ
| JUVEL
REMPIS | RAMIL
ILAGAN
| BERT
CABUAL | BHENG
ARELLANO
| ZACK
| NOEL MALICDEM | JULIETA ASENITA | JOEL SANTOS