Site menu:

 SEND EMAIL

 

THANKS TO OUR SPONSORS







ads - group 5
ads - group 6
SALI KA, KABAYAN

Buhay-Makata - ni Julieta O. Asenita Mula sa panulat ni

JULIETA O. ASENITA

Taiwan


BUHAY-MAKATA


Ang idolo ko sa buhay ay isang Fransisco Balagtas
Na siyang hari ng lahat ng makata’t manunulat
Natutuhan kong magrima-rima sa pagsulat
Nang ako’y isang manggagawa, doon sa ibayong-dagat.

Nais kong maging isang pintor…pintor ng buhay
Ng paligid, ng kalikasan, lahat ng nilikhang bagay
Taglay ko ang kaluluwa, dama ko ang nararamdaman
Bigyan ko ng kahulugan, ang sa iba’y walang kahulugan.

Kinakailangan kong bumulong, iiling…tititig
Dahil ang isang makata’y lubha siyang mapagmasid
Kahit na munting kasawian, damdami’y madaling maantig
Ngunit ang may pusong-bakal kaya rin n’yang mapatangis.

Kinakailangan ko ring hahanap, ng sa aki’y makakahanga
Kailangan sa mga katha ko’y  may babasang mat’yaga
Kinakailangang tatanaw sa langit nang may makikita
Kinakailangan ko ring magbilang sa mga biyaya’t pagpapala.

At ako’y pumalaot sa buhay-makata…
Kabiguan ko’y inspirasyon sa pagkatha
Sa hirap ng buhay, batid kong may pag-asa
Kabaliwang walang katupara’y natupad na.

Sa piling ng araw, ng mga bituin…buwan
Sa saliw ng pagpatak, ng bumubuhos na ulan
Sa lagaslas ng talon at batis na kay-linaw
Sa pagaspas ng hangin, mga dahong tila sumasayaw.

Sa maningning na tala, sa kalangita’y sumikat
Ng mga bituing sa kalawaka’y kukuti-kutitap
Pag-awit ng mga ibong sa sanga’y palipat-lipat
Damdaming nag-uumapaw,sa dibdib ay namumungad.

Sa bagting ng gitara, na sumasaliw sa pag-awit
Ng mga ibong panggabi , sa kanilang paghibik
Sa mga liham punong-puno ng titik ng pag-ibig
Sa paghabi ng  mabulaklak ng  mga tula’t panitik.

Sabi ng kaibigan, ako raw ay isang makata
Maramdamin nguni’t tapat, bulag nga lamang anya
Masasabi mang ako y’ mali at siya’y tama
Ang pag-ibig mahirap liripin, sadyang mahiwaga.

Dalawampung taon na ngayon ang  lumipas…
Nguni’t pnanaho’y kay-ikli para malimot ang lahat
At tulad ng iba kong mga piling tulang walang kupas
Minsa’y aking inibig, mananatili na lang sa pangarap.

Setyembre 24, 2008



Mga katha ni Julieta O. Asenita na matatagpuan sa sayt na ito
Tula:  Amoeba | Buhay-Makata | Ginoong Lakandiwa | Iba't Ibang Anyo ng Kaligayahan
Balagtasan:  Babae ang Magtatapat
    



SALI KA NA RIN, KABAYAN! 

ZALDY ALORAONOFRE CAMARILLOGONIE MEJIADOMINGO TOLENTINOEDU CARPENAMONALIZA MONDATAMARIA TERESA CURA REAROSELYN ALEGONZATREZ MUSKITEROSHANA BLUE 23VIC YAMBAOROLAND MANREALREGINA ROSALESLAURA BALATBAT-CORPUZ | JUVEL REMPISRAMIL ILAGANBERT CABUAL BHENG ARELLANO | ZACK  |  NOEL MALICDEM | JULIETA ASENITAJOEL SANTOS