Site menu:

 SEND EMAIL

 

THANKS TO OUR SPONSORS







ads - group 5
ads - group 6
SALI KA, KABAYAN

Ginoong Lakandiwa - ni Julieta O. Asenita Mula sa panulat ni

JULIETA O. ASENITA

Taiwan


GINOONG LAKANDIWA

(Handog para kay Rafael A. Pulmano)

Ikaw ay larawan ng isang bayaning OFW
Dunong ang sandata, ibinahagi sa mundo
Sa mga sulyap, hinahangaa’t iniidolo
Pinagpala ng Diyos, ng natatanging talino.

 Mahusay umawit, mahusay sa pagkatha
Mahusay din sa larangan ng bigkasa’t pagtudla
Sa Saipan at Laguna ay batikang makata
Sa Marianas Island, tinaguriang “Ginoong Lakandiwa”.

Sa iyong mga tula’t balagtasang nilikha
Sa balanang nagbabasa’y, gawang kahanga-hanga
Pagmamahal at lingap ay iyong ipinadama
Sa baya’t kabayan at nakagisnang kultura.

Ang tinig mo na pumapailanlang sa internet
Ay matamis na musika sa aming pandinig
Awit, tula at balagtasan na sadyang hilig
Sa pusong may lumbay, lungkot ay nawawaglit.

Naala-ala ko pa, nang una kang makita
Nakilala kita sa grupong taga-Laguna
“Ito pala si Ralph Pulmano”, isang makata
Makisig na lalaki, matalino’t mukhang binata.

At nang ako’y mapasapi sa kilalang Samahang Makata
Anong ligaya ko, sa puso ay nadarama
Sa ating mga pagtatanghal, palakpakang masagana
Mga “die-hard fans” walang patid ang suporta.

Tuwing unang Lunes, ng buwa’y  pinakahihintay
Balagtasan sa  Radyo KSAI, paborito ng tanan
Madalas ay ikaw ang Lakandiwang inaatasan
Taga-hatol, taga-awat sa mga makatang naghihidwaann

Balagtasan sa MCV, ‘di kailanman malilimutan
Gayundin sa publiko, “star” din  sa tanghalan
‘Ramdam ko’y artista din na kabilang
Hatid ay aliw, sa mga ‘kabayang nalulumbay.

Minsan sa tanghala’y sinabi mong ako’y dalaga pa
Kaya lang kulay ko’y tila baga malayo pa sa umaga
Magkagayon pa man, ‘di pikon bagkus natuwa
‘Pagkat sa kulay na madilim, doon ako nakilala.

‘Di lingid sa Saipan, ikaw’y tanghalin
“GINOONG LAKANDIWA’  sa taglay na galing
Kakisiga’t, husay sa kakayahang angkin
Tinitingala ang ‘ngalan mong maningning

Hinahangaan  ng lahat…’yan si RAFAEL PULMANO
Sa gawang paghatol, paham at mahusay ngang totoo
Siya’y angkan ni Balagtas, sa diwa at puso
Pinagpala mga kamay, talino’y di n’ya itinago.

Ang website ni Paeng, nagmalasakit sa 'ting panitikan
Katipunan ng mga mabulaklak na tulai't mga balagtasan
Na kahit nasa ibayong-dagat, tradisyo'y buhay
Muling mamamayani ang  sigla, ningning at kulay.

Nakikita ng ibang makata,iyong mga kinatha
Sa mga blogtasan, ‘di maiwasang humanga
Ikinararangal kita na minsa’y nakasalamuha
Sa Samahang Makata, na sa mundo’y pinipithaya.

“GINOONG LAKANDIWA”… talang walang laho
‘Pagka’t may pitak, nakaukit sa aming puso
Sa iyong mga panulat, likha’t obra-maestra mo
Nagpupuri’t nagpupugay kami sa iyo.

Sa aming ala-ala’y’ ikaw’y aming iingatan
Dasal naming sa Diyos, ikaw’y laging patnubayan
Na lalong pagyamanin,  pagpalai’t biyayaan
At sa tuwina sa puso’y maghahari ang kagalakan.


Abril 13, 2011



Mga katha ni Julieta O. Asenita na matatagpuan sa sayt na ito
Tula:  Amoeba | Buhay-Makata | Ginoong Lakandiwa | Iba't Ibang Anyo ng Kaligayahan
Balagtasan:  Babae ang Magtatapat
   



SALI KA NA RIN, KABAYAN! 

ZALDY ALORAONOFRE CAMARILLOGONIE MEJIADOMINGO TOLENTINOEDU CARPENAMONALIZA MONDATAMARIA TERESA CURA REAROSELYN ALEGONZATREZ MUSKITEROSHANA BLUE 23VIC YAMBAOROLAND MANREALREGINA ROSALESLAURA BALATBAT-CORPUZ | JUVEL REMPISRAMIL ILAGANBERT CABUAL BHENG ARELLANO | ZACK  |  NOEL MALICDEM | JULIETA ASENITAJOEL SANTOS