Site menu:

 SEND EMAIL

 

THANKS TO OUR SPONSORS







ads - group 5
ads - group 6
SALI KA, KABAYAN

Iba't ibang anyo ng kaligayahan - ni Julieta O. Asenita Mula sa panulat ni

JULIETA O. ASENITA

Taiwan


IBA'T IBANG ANYO NG KALIGAYAHAN


Minsa’y naiisip ko kung bakit isinilang pa
Kung itong buhay ko’y babawiin rin lang pala
Bakit mahalaga na ang Diyos ay aking makilala
Maraming tanong na di ko maunawa.

Minsa’y naiisip ko ang tawag na kamatayan
‘Ramdam ko’y hinagpis na di makayanan
Bumabalot sa puso ko’t kaluluwang taglay
Lakas ko’y inubos, mataboy yaring kaisipan.

Iba’t-ibang anyo ng ligaya’y aking natutuhan
Sa pinakamaitim na ulap ko ito natagpuan
Sa tigang na lupa, sa tubig ay uhaw
Sa mainit na sinag, dulot ng Haring Araw.

Sa gitna ng pagbuhos, malakas na ulan
Sa madilim na gabi, sa kalangitan
Sa libu-libong mga bituin na kumikinang
Sa magiliw na pagtingin, sa isang minamahal.

Nakikita ko ito sa maningning na mga mata
Larawan ng pamilya ko na nasa ibabaw ng mesa
Lumiligaya rin ako kapag nakakagawa
Ng kabutiha’t habag, pagmamahal sa kapwa.

Ang aking kalooban ay napakasaya
Nahahagka’t nayayakap, anak kong sinisinta
Ligaya ko ring ituturing, mga tula kong nilikha
Ang hangaa’t purihing “Ikaw pala’y isang makata!”

Napupuspos ng ligaya ang aking kaluluwa
Sa mga anyo nitong nagpalalim sa ‘king unawa
Sa kagalakan kong yao’y naroo’t  kabahagi Siya
Pasalama at papuri, handog ko sa Dakilang Diyos Ama.

10 Pebrero 2011




Mga katha ni Julieta O. Asenita na matatagpuan sa sayt na ito
Tula:  Amoeba | Buhay-Makata | Ginoong Lakandiwa | Iba't Ibang Anyo ng Kaligayahan
Balagtasan:  Babae ang Magtatapat
   



SALI KA NA RIN, KABAYAN! 

ZALDY ALORAONOFRE CAMARILLOGONIE MEJIADOMINGO TOLENTINOEDU CARPENAMONALIZA MONDATAMARIA TERESA CURA REAROSELYN ALEGONZATREZ MUSKITEROSHANA BLUE 23VIC YAMBAOROLAND MANREALREGINA ROSALESLAURA BALATBAT-CORPUZ | JUVEL REMPISRAMIL ILAGANBERT CABUAL BHENG ARELLANO | ZACK  |  NOEL MALICDEM | JULIETA ASENITAJOEL SANTOS