SALI
KA, KABAYAN

Mula sa panulat ni
London, United Kingdom
NOYNOY: ASIN AT ILAW
Kayo ang
asin ng
mundo. Nguni’t kung mawalan na ng lasa ang
asin, paano pa
ito mapaalat na
muli? Kayo ang ilaw ng mundo. Hindi
maitatago ang lungsod na itinayo sa tuktok ng
bundok.— Mateo 5:13-14
PAMUNONG dakila ng lunting sigasig

Sa bagong liwayway ng gabing pusikit;
Ang kuyom na apoy ng pananahimik
Ay naglalagablab ngayong mag-uusig;
Ang munting buwayang panggap kung manangis,
Lulusong sa dagat ng burak na putik.
Santong katarunga’y ngayon iaabot
Ni Noynoy Aquino sa kamay ng Diyos;
Ang dungong kahapon ng umagang limos
Ay bakas sa birang ng paghihimutok;
Sa pagwawasiwas ng himalang tungkod,
Luluha ng lubid ang dapat managot!
Ipinabandilang si Noynoy ay asin
Sa pagkapangulong timyas kung lasapin;
Ang dilang marunong tumimos ng aliw,
Sa lugod ng bayan ay mangagpipiging;
Subali’t ang ganid at bungangang haling,
Sa pagas na lupa’y sisikangang matsing.
Nang kumandidato’y may ilaw si Noynoy
Na sulong humawi sa dilim na lambong;
Ang sikil na puso’t budhing nakakulong
Ay nangagsilaya sa kiming panaghoy;
Ang bukong liwawag mandin ang nagtaboy
na ang Presidente ay si Noynoy ngayon.
Ang kayakap nati’y asin at liwanag
Na buhay, pag-ibig, pag-asa’t pangarap;
Nakatanaw tayo sa gintong hinagap
Na may Inang Bayang babangon sa hirap;
Sa templo ng kanyang mabathalang sikap,
Windang na ang kutang karsel ng bagabag!!!
Mga kaugnay na katha:
Tunghayan din:
BlogTalasan ng Katwiran
PAKSA #05 - Noynoy for President?
TANONG: Dapat bang kumandidatong Presidente
ng Pilipinas si Benigno "Noynoy" Aquino III sa halalan sa taong 2010?
PAKSA #04 - Paalam, Cory...Paalam,
'Democracy?'
TANONG:
Sa muling pagkagising ng kamalayang makabayan sanhi ng pagpanaw ng
dating Pangulong Corazon ‘Cory’ Aquino,
ningas-kugon ba
lamang ito – o patuloy na mag-aalab sa puso at diwa ng
sambayanang Filipino?
Mga
katha ni Bert Cabual na matatagpuan sa sayt na ito
Tula:
Ang
Makata at ang Alak | Kamanyang
Kay Manny Pacquiao |
Si Quezon at ang
Wika |
Soneto kay Paeng
| Noynoy:
Asin at Ilaw
| Kaluluwa ng Lahing Marangal | Maligayang Pasko
Kwentula:
Bugso
ng Gunita
Balagtasan:
Bata
at Pamalo
|
Si
Manny Pacquiao at ang Politika |
Dagdag
na taon
sa Haiskul
Sanaysay: Saltik-Panitik:
Balagtasan
Maikling Kuwento:
Ang
Dasalan ni Belen | Isang Libo't Isang
Halik | May Lihim ang
Bahay-bahayan | Mayo at Disyembre
| Si Mang Estong
SALI
KA NA RIN, KABAYAN!
ZALDY
ALORA | ONOFRE
CAMARILLO
| GONIE
MEJIA
| DOMINGO
TOLENTINO | EDU
CARPENA | MONALIZA
MONDATA
| MARIA
TERESA
CURA REA | ROSELYN
ALEGONZA | TREZ
MUSKITEROS | HANA
BLUE 23 | VIC
YAMBAO | ROLAND
MANREAL | REGINA
ROSALES | LAURA
BALATBAT-CORPUZ
| JUVEL
REMPIS | RAMIL
ILAGAN
| BERT
CABUAL | BHENG
ARELLANO
| ZACK
| NOEL MALICDEM | JULIETA ASENITA | JOEL SANTOS