ZALDY
ALORA |
ONOFRE CAMARILLO
| GONIE MEJIA
| DOMINGO
TOLENTINO | EDU
CARPENA | MONALIZA
MONDATA
| MARIA TERESA
CURA REA | ROSELYN
ALEGONZA | TREZ
MUSKITEROS | HANA
BLUE 23 | VIC
YAMBAO | ROLAND
MANREAL | REGINA
ROSALES | LAURA
BALATBAT-CORPUZ
| JUVEL
REMPIS | RAMIL
ILAGAN

Mula sa panulat ni
Metamora, Illinois, U.S.A.
UGALING PILIPINO
Ang Po at ang Opo ay magagalang na salita
Turo ng ating magulang simulang pagkabata
Ang pag galang sa tao lalo na sa matanda
Maipagmamalaki natin hanggang sa pagtanda.
Ang Po at ang Opo ay salitang Tagalog
Paala-ala ng magulang sa mahal na hinlog
Magaang sambitin at maluwag sa loob
Sa lahat ng makarinig ang dulot ay alindog.
Ang pagiging magalang ay isang karangalan
Makikita rito ang tunay nating katauhan
Pagpapakumbaba ay mararamdaman
Bawa't taong makarinig ay masisiyahan.
Guro man o magulang ang magturo nito
Sinusubaybayan ng ating Lola at Lolo
Kung makalimuta'y ipapaala-ala sa iyo
Bahagi ng magandang paghubog sa iyo.
Katulad ng "Po at Opo" ay ang pagmamano
Sa araw at gabi, at pagkasimba kung Linggo
Gayon din sa maghapon at panahon ng Pasko
Isa pang kaugalian nating mga Pilipino.
Mga Ninong at Ninang ay pinagmamanuhan
Pag-abot natin ng kamay, ika'y bebendisyunan
"Nawa'y kaawaan ka ng Diyos sa kalangitan
Maligtas sa sakuna at ano mang kasamaan."
Ang "Po at ang Opo" at ang "Pagmamano"
Ay kaugalian lamang nating mga Pilipino
Simula ng mamulat ang mata sa mundo
Ito ay sinusunod ng lahat ng mga tao.
Kung saka-sakaling paggalang ay malimutan
Lolo't Lola natin tayo'y paalalahanan
Huwag namang isasama ng ating kalooban
Ang tanging hangad nila'y atin ding kabutihan.
Walang ibang bansa sa buong daigdig
Na may katulad sa binibigkas ng bibig
Ang "Po at ang Opo" kapag sinasambit
Sagisag ng ating bayang pinakaiibig.
Pagmamano ay katangian nating Pilipino
At magagalang na salita taglay ng mga tao
Mapasaan man tayo, mapaibang dako
Sa nayon, sa bayan, at ibang panig ng mundo.
Laura Balatbat-Corpuz
Ika-18 ng Marso, 2004
ZALDY
ALORA |
ONOFRE CAMARILLO
| GONIE MEJIA
| DOMINGO
TOLENTINO | EDU
CARPENA | MONALIZA
MONDATA
| MARIA TERESA
CURA REA | ROSELYN
ALEGONZA | TREZ
MUSKITEROS | HANA
BLUE 23 | VIC
YAMBAO | ROLAND
MANREAL | REGINA
ROSALES | LAURA
BALATBAT-CORPUZ
| JUVEL
REMPIS | RAMIL
ILAGAN