SALI
KA, KABAYAN

Mula sa
panulat ni
Sydney, Australia
PAGSISINTIR NG ISANG
PINOY-AUSSIE
Buhay ko rito sa Australia
halos puno ng ligaya
ang mate ko't mga anak na magaganda
sapat nang sa aki'y magpasigla.
Masarap, mahirap ang buhay sa abroad
minsa'y araw-gabi ang pagkayod;
ang dollar na sa pamilya'y pangtaguyod
puhuna'y dugo, pawis, luha at pagod.
Marami din namang benefit
sagana sa pagkain, damit,
modernong gamit, lahat electric...
kababaya'y naiinggit.
Datapwa't malayo sa relatives
sabihin nang walang gaanong tsismis...
anumang Pinoy news – kahit panis,
buong-pusong tinitiis.
Kapag ako'y naho-homesick
walang taros aking pagsaliksik
ang internet lubos na katalik
malayong kakilala'y biglang nagbabalik.
Kaya nga't salamat sa e-mail
saang sulok ka man nakatigil,
mag-surf, mag-chat nang halos walang tigil
pagmumukmok ng kalooba'y biglang matitigil.
Mga katha ni Maria Teresa Lucina Cura Rea na matatagpuan sa sayt na ito
Tula:
Pagsisintir
ng Isang Pinoy-Aussie | Samu't Saring Damdamin,
Tagaktak ang Pawis
SALI
KA NA RIN, KABAYAN!
ZALDY
ALORA | ONOFRE
CAMARILLO
| GONIE
MEJIA
| DOMINGO
TOLENTINO | EDU
CARPENA | MONALIZA
MONDATA
| MARIA
TERESA
CURA REA | ROSELYN
ALEGONZA | TREZ
MUSKITEROS | HANA
BLUE 23 | VIC
YAMBAO | ROLAND
MANREAL | REGINA
ROSALES | LAURA
BALATBAT-CORPUZ
| JUVEL
REMPIS | RAMIL
ILAGAN
| BERT
CABUAL | BHENG
ARELLANO
| ZACK
| NOEL MALICDEM | JULIETA ASENITA | JOEL SANTOS