SALI
KA, KABAYAN

Mula sa
panulat ni
Sydney, Australia
SAMU'T SARING DAMDAMIN,
TAGAKTAK ANG PAWIS
samu't saring damdamin
sa tuwina'y kaulayaw
ligaya't lungkot sa puso't kalooba'y
dagling nag-uumapaw.
sandaling pinakahihintay
ngayo'y dumating
hindi magkandaugaga sa pinaghirapa't
sandamanak na pabilin
sa eroplano pa lamang
ay papilingpiling.
sa wakas
makaraos ang halos
walang katapusang tawaran
ang biyahe naman ang pagtitiyagaan.
bakit hindi'y
mga sasakya'y nag-uunahan,
nagsisiksikan.
maraming taong tiniis
na malayo sa pamilyang
minamahal
biglang naglaho't nalihis
sa biyaheng nagkaantal-antal.
siyam-siyam halos
sasakya'y nagbagtas
salamat sa diyos
tahanang sinilanga'y nataros.
sanrekwang kamag-anakang
nagpakaabang-abang
takang-taka't nagkandagugulat.
dating matabil na dila'y walang maiulat.
tagaktak ang pawis
waring naghihinagpis
pinakahihintay nga'y napalis.
yaong PALIKURA'Y tanging nais,
kaya't dali-daling tinugis!
Mga katha ni Maria Teresa Lucina Cura Rea na matatagpuan sa sayt na ito
Tula:
Pagsisintir
ng Isang Pinoy-Aussie | Samu't
Saring Damdamin,
Tagaktak ang Pawis
SALI
KA NA RIN, KABAYAN!
ZALDY
ALORA | ONOFRE
CAMARILLO
| GONIE
MEJIA
| DOMINGO
TOLENTINO | EDU
CARPENA | MONALIZA
MONDATA
| MARIA
TERESA
CURA REA | ROSELYN
ALEGONZA | TREZ
MUSKITEROS | HANA
BLUE 23 | VIC
YAMBAO | ROLAND
MANREAL | REGINA
ROSALES | LAURA
BALATBAT-CORPUZ
| JUVEL
REMPIS | RAMIL
ILAGAN
| BERT
CABUAL | BHENG
ARELLANO
| ZACK
| NOEL MALICDEM | JULIETA ASENITA | JOEL SANTOS