ANG
BAGONG BAYANI | SUKLI
SA KABAYANIHAN
| PAG-ASA NG
BAYAN | PILIPINO,
DAKILA KA | ANG
KAPAL | HELLO
| IBA
TALAGA
SA ABROAD | BALIKBAYAN
BOXES | AKO
AY PILIPINO | VALENTINE'S
CARD | MAGALING
ANG PINOY | HANGGANG
EDSA NA LANG | INAY...
ITAY... | SAYANG
| BATANG SAUDI
| APPLICATION
FORM | SEAMAN
| PAALAM, MY
LOVE
| GREEN
CARD
HOLDER | BITIN
|
ANG
BIGONG BAYANI
|
KAPAG ANG
PANGULO
ANG BIGONG BAYANI
ni Rafael A. Pulmano
Simpleng matematiks,
walang dagdag-bawas,
halinang magtuos...
Sige nga - magkano
ang dolyar na kita ng
bansa sa exports?
Eh, magkano naman
ang dolyar na
bayad ng bansa sa imports?
At ang balance of trade
kapag kinwenta
na, plus kaya, o minus?
Kung higit ang export
o produktong benta sa
ibayong bansa
Kaysa inimporta
o produktong angkat
sa dayuhang lupa,
Mas konti ang gastos
kumpara sa pasok ng
dolyar na kita
Resulta'y trade surplus,
panalo ang lokal na
ekonomiya.
Pero napamili,
kung lalong malaki
kaysa naibenta
Mas maraming dolyar
ang ipinambayad kaysa
naging kita,
Ito'y trade deficit
na ang karaniwang
masaklap na bunga
Pagtaas ng palit
ng dolyar sa pisong
sadsad ang halaga.
At kung ang halaga
ng pisong pagod na'y
tuloy sa pagbagsak
Utang na panglabas
nitong
Pilipinas ay lalong sasagad
Sa interest pa lang
ng dolyar na
utang na dolyar ang bayad
Ay kailangan pang
Kongreso'y
magpasa ng batas sa E-VAT.
International trade
ay talagang
ganyan, may panalo't talo
Sa globalisasyon
ay bansang
mahirap ang laging dehado
Kaya pasalamat
tayo sa
maraming nagsasakripisyo
Na bagong bayani,
(o bigong
bayani), ang OFW.
Bilyun-bilyong dolyar
ang sa
Pilipinas ay ipinapasok
Na bawa't sentimo
ay sa
ekonomya umiikut-ikot
Walang natatapon,
walang
lumalabas na kahit karampot
Dahil walang import,
sila'y hundred
percent na Philippine Export.
OFW lang
ang tanging
pang-export nitong ating bansa
Na ang materyales,
pawis at
puhunan, ay sa atin mula
Tatay, Nanay, Kuya,
Ate, Tito,
Tita, maski Lolo't Lola
Nagtiis malayo,
pamilya'y
iniwan, dahil sa pamilya.
Malayo si mister,
malayo si
misis (at kapwa malaya)
Malayo sa anak
na busog sa
layaw, gutom sa kalinga
At dahil malayo
ang tanaw ng
mga pinuno ng bansa
Malayong lumaya
ang dayong
alila sa pangungulila.
ANG
BAGONG BAYANI |
SUKLI SA KABAYANIHAN
| PAG-ASA NG
BAYAN | PILIPINO,
DAKILA KA | ANG
KAPAL | HELLO
| IBA
TALAGA
SA ABROAD | BALIKBAYAN
BOXES | AKO
AY PILIPINO | VALENTINE'S
CARD | MAGALING
ANG PINOY | HANGGANG
EDSA NA LANG | INAY...
ITAY... | SAYANG
| BATANG SAUDI
| APPLICATION
FORM | SEAMAN
| PAALAM, MY
LOVE
| GREEN
CARD
HOLDER | BITIN
| ANG
BIGONG BAYANI |
KAPAG ANG
PANGULO