Site menu:

 


Ako ay Pilipino
Ang Bagong Bayani
Ang Bigong Bayani
Ang Kapal
Application Form
Balikbayan Boxes
Batang Saudi
Bitin
Green Card Holder
Hanggang Edsa na Lang
Hello
Iba Talaga sa Abroad
Inay... Itay...
Kapag ang Pangulo
Magaling ang Pinoy
Paalam, My Love
Pag-asa ng Bayan
Pilipino, Dakila Ka
Sa Bagong Pangulo    
Sayang
Seaman
Sukli sa Kabayanihan
Valentine's Card

 SEND EMAIL

 

THANKS TO OUR SPONSORS






ads - group 5
ads - group 6
Ako ay Pilipino  |  Ang Bagong Bayani  |  Ang Bigong Bayani  |  Ang Kapal  |  Application Form  |  Balikbayan Boxes  |  Batang Saudi  |  Bitin  |  Green Card Holder  |  Hanggang Edsa na Lang  |  Hello  |  Iba Talaga sa Abroad  |  Inay... Itay...  |  Kapag ang Pangulo  |  Magaling ang Pinoy  |  Paalam, My Love  |  Pag-asa ng Bayan  |  Pilipino, Dakila Ka  |  Sayang  |  Seaman  |  Sukli sa Kabayanihan  |  
Valentine's Card
 |  Sa Bagong Pangulo       


KAPAG ANG PANGULO

ni Rafael A. Pulmano


Kapag ang Pangulo, masipag, magaling
Matapat sa Diyos,
    sa sarili, bayan,
        sa sumpang tungkulin
Mga mamamayan, siya'y mamahalin
Siya'y igagalang,
    ipagmamalaki,
        pakapupurihin.

Kapag ang Pangulo, sa bawat salita,
Sa bawat pagkilos,
    sa bawat diskarte,
        bawat panukala
May bumabatikos, may tumutuligsa
Ang ibig sabihin,
    demokrasya pa rin
        ay buhay sa bansa.

Kapag ang Pangulo, ang popularidad
Sa survey, sa radyo,
    sa dyaryo, sa TV,
        negatibo, bagsak
Palasyo'y may lunas na dito'y pantapat
Panibagong survey,
    press release, interview,
        photo-ops at paid ads.

Kapag ang Pangulo, sa kanyang posisyon
Kaya napaluklok
    ay dahil nandaya
        sa naging eleksyon
Pagkalehitimo ay kinukuwestyon
Ilegal at walang
    karapatang moral
        mamuno sa nasyon.

Kapag ang Pangulo, ga'no man kagaling
Nabuko sa kanyang,
    mga panlilinlang,
        pagsisinungaling
Ang kredibilidad, basag nang salamin
Tiwala ng bayan
    di na magbabalik
        ano man ang gawin.

Kapag ang Pangulo, di na nire-respect
At binabastos na,
    may nagmumura pa
        sa email at sa text
Sa web sites, sa YouTube, at blogs sa internet
Panahon na upang
    sa Palasyo, siya'y
        mag-resign, um-exit.
       
Kapag ang Pangulo, matigas ang ulo
At sa kasaysayan
    Ni Macoy at Erap
        ay ayaw matuto
Di naman palaging mga Pilipino
Sa lahat na oras
    ay magpapagago...
        Alis dyan, Ate Glo!

Gloria RESIGN! BLOGSWARM

 

Ako ay Pilipino  |  Ang Bagong Bayani  |  Ang Bigong Bayani  |  Ang Kapal  |  Application Form  |  Balikbayan Boxes  |  Batang Saudi  |  Bitin  |  Green Card Holder  |  Hanggang Edsa na Lang  |  Hello  |  Iba Talaga sa Abroad  |  Inay... Itay...  |  Kapag ang Pangulo  |  Magaling ang Pinoy  |  Paalam, My Love  |  Pag-asa ng Bayan  |  Pilipino, Dakila Ka  |  Sayang  |  Seaman  |  Sukli sa Kabayanihan  |  
Valentine's Card
 |  Sa Bagong Pangulo