Ako
ay Pilipino | Ang
Bagong Bayani | Ang
Bigong Bayani | Ang
Kapal | Application
Form | Balikbayan
Boxes | Batang
Saudi | Bitin | Green
Card Holder | Hanggang
Edsa na Lang | Hello
| Iba
Talaga sa Abroad | Inay...
Itay... | Kapag
ang Pangulo | Magaling
ang Pinoy | Paalam,
My Love | Pag-asa
ng Bayan | Pilipino,
Dakila Ka | Sayang
| Seaman | Sukli
sa Kabayanihan |
Valentine's
Card | Sa
Bagong Pangulo
SAYANG
ni Rafael A. Pulmano
Mahal, kumusta ka?
Ngayon ko natanggap
Ang liham mo sa
'kin...Maraming salamat!
Paulit-ulit kong binasa
ang sulat
Di ko mapigilang maluha
sa galak.
Tuwang-tuwa ako sa iyong
balita
Lalo na yung tungkol sa
dalawang bata,
Si Neneng ko pala'y
honor sa eskwela
At si Toto naman ay nasa
kinder na.
Sayang! Dapat sana,
ako'ng magsasabit
Ng ribbon kay Neneng pag
siya'y gumradweyt.
Araw-araw sana, ako'ng
maghahatid
Kay Toto sa klase,
papunta't pabalik.
Kalakip ng liham kong
ito sa iyo
Ay isang birthday card
sa kaarawan mo.
Sayang! Dapat sana ay
magde-date tayo
At magdya-Jollibee pag
gutom na, ano?
Ikakasal pala ang
kababata ko
Sayang! Kung pwede lang,
ibig kong dumalo.
Ang ninong ko pala ay
kakandidato
Sayang! Hindi ko man
lang maiboto.
Lumipat na pala'ng ating
kapitbahay
Sayang! Di na ako
nakapagpaalam.
Naospital pala nu'ng
Linggo si Inay
Sayang! Ni hindi ko
nadalaw man lamang.
Pinataob pala ng Shell
ang Ginebra
Iisa ang lamang, muntik
pang magtabla
Graduate si Jaworski,
suspended si Calma
Sayang! Dapat sana,
ako'y nasa Ultra!
Tuyo at galunggong at
inalamangan,
Nilaga, pinakbet,
sarsyado, sinigang,
Bibihira ko nang dito ay
matikman
Sayang! Nami-miss ko ang
luto mo, Hirang!
Di sapat ang ganda ng
kinabukasan
Kung ngayon ko nama'y
waring nasasayang!
Kahit na ang s'weldo sa
abroad ay dolyar,
Di kayang ibalik ang
nagdaang araw!
Hanggang dito na lang
ang liham kong ito
Sagutin mo agad pagkat
sabik ako
Na makabalita ng tungkol
sa inyo
Laging nagmamahal...
Rafael Pulmano.
Ako
ay Pilipino | Ang
Bagong Bayani | Ang
Bigong Bayani | Ang
Kapal | Application
Form | Balikbayan
Boxes | Batang
Saudi | Bitin | Green
Card Holder | Hanggang
Edsa na Lang | Hello
| Iba
Talaga sa Abroad | Inay...
Itay... | Kapag
ang Pangulo | Magaling
ang Pinoy | Paalam,
My Love | Pag-asa
ng Bayan | Pilipino,
Dakila Ka | Sayang
| Seaman | Sukli
sa Kabayanihan |
Valentine's
Card | Sa
Bagong Pangulo