SI MANG ESTONG

ni Lamberto B. Cabual

​

Karugtong ng Kuwento – Pahina 4

kung nalalasing sa pakikipag-inuman ang matanda ay sinusundo ito ng dalaga naming kaibigan. 

​

    Nakikiramdam pa rin ako sa mga nangyayari, nguni’t ang asawa ko’y hindi na mapalagay.

​

    “Ano kaya ang mabuti nating gawin, Ling?  We should not give up,” nakakunot-noo ang misis ko. “Umisip pa tayo ng ibang paraan upang iligtas si Jenny.”

​

    “Sa susunod na miting namin sa Kapiling,” sabi ko, “kakausapin ko na si Mang Estong.”

​

    “Ano naman ang sasabihin mo?” nakatingin siya sa akin, “baka masabihan ka ng… mind your own business!”

​

    “Hindi naman marahil, kasi sasabihin ko sa kanyang concerned lamang tayo kay Jenny.”

​

    “Sana nga ay hindi magalit sa iyo si Mang Estong pag kinausap mo.”

​

    “Ang idalangin mo ay huwag bibiktimahin o lolokohin ni Mang Estong si Jenny, dahil pag ginawa niya ‘yon,” nagtiim ang aking mga bagang, “bugbog sarado siya sa akin!”

​

​

LUMIPAS ang isang buwan, dumating ang takdang araw ng pagpupulong ng Kapiling.  Inabangan ko si Mang Estong.  

​

    Nagsimula na ang pagpupulong. Wala si Mang Estong at hanggang sa matapos ang pulong ay hindi sumipot. Hindi alam ng Pangulo kung bakit wala si Mang Estong. Ang ipinangamba ko, wala rin si Jenny. May kutob akong magkasama sila at napapahamak na nang husto ang kaibigan naming journalist sa kamay ng matandang pilyo sa girls.

​

    Umuwi ako sa bahay at ibinalita ko sa asawa kong wala sa pulong ng Kapiling si Mang Estong, saka wala rin si Jenny.  

​

    Nagpasiya kaming puntahan sa kanilang tahanan si Mang Estong at doon namin siya kakausapin.

​

    Sa flat ni Mang Estong, nag-door bell kami. Walang nagbubukas ng pinto. Baka sira ang door bell. Paulit-ulit kaming kumatok. Wala ring nagbubukas. Mayamaya’y may lumapit sa aming isang Pilipinong naninirahan sa karatig na flat ng matanda.  

​

    “Wala pong tao riyan,” sabi ng lumapit sa amin. “Dinala po siya ng ambulansiya sa ospital.”

​

    “Bakit, ano’ng nangyari sa kanya?” gulat ko. “At saang ospital siya dinala.?”

MAY KARUGTONG >>>

​

Pahina  [1]  [2]  [3]  [4]  [5]

TUNGKOL

SA SAYT NA ITO

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano Contact

affiliate_link