TUNGKOL

SA SAYT NA ITO

ANG MABISANG ANTING-ANTING

ni Lamberto B. Cabual


Karugtong ng Kuwento – Pahina 3


“Opo naman, Sir,” ngiti niya. “Kinakausap na nga po ninyo ako eh.”


“May gusto akong itanong sa iyo.”


“Sige po, magtanong kayo…pero wala na po tayo sa klase. Tatanungin po ba ninyo ako tungkol sa leksiyon natin kanina?”


“Hindi tungkol sa leksiyon natin…iba ito…personal na bagay.”


“Personal po, Sir?”


“Oo, walang kaugnayan ito sa leksiyon natin.”


“A, Sir. Siguro po may hihingin kayong pabor sa akin…hi hi hi…Sige po, sabihin n’yo lang, Sir. Malakas kayo sa akin.”


“Walang pabor…may itatanong lang ako sa ‘yo?


“Ano nga po ‘yon, Sir?”


“Balita ko may nanliligaw na raw sa ‘yo…eh! Totoo ba ‘yon?


“Hindi po totoo, Sir. Marami pong nagpapalipad-hangin, pero di naman po nanliligaw. Meron nga po akong napupusuan pero ni palipad-hangin e wala. ‘Kakainis nga po...best friend ko pa naman.”


“Sino ba siya?”


“E, sino pa, Sir, kung hindi ang best friend kong si Jhobeth…ang torpe-torpe…halata ko namang gusto n’ya ako.”


“Ha ha ha!” di ko napigil na mapatawa. “Anong gagawin mo kung manligaw at magtapat sa iyo ng pag-ibig si Jhobeth?”


“Siyempre po, Sir, sasagutin ko siya. Mahal ko po siya eh!” Tila nangusap ang mapupungay niyang mga mata. “Bakit naman po ninyo naitanong ‘yan?”


“A, wala naman. Natutuwa lang akong tanungin ka, kasi, ikaw ang pinakamaganda sa klase natin, di ba?”


“Si Sir naman. Nagsasabi ng totoo…hi hi hi!” Lumitaw ang magagandang biloy sa kanyang magkabilang pisngi. “Pero, Sir, huwag n’yo po akong ibibisto kay Jhobeth na mahal ko siya. Secret po natin iyon, ha?. Mangako po kayo.”


“Okay, Cristy, pangako…hindi kita ibibisto.”

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

affiliate_link

MAY KARUGTONG >>>


Pahina  [1]  [2]  [3]  [4]

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano |  Contact

affiliate_link