TUNGKOL

SA SAYT NA ITO

ANG MABISANG ANTING-ANTING

ni Lamberto B. Cabual


Katapusan ng Kuwento – Pahina 5


“Kapag handa ka nang magtapat kay Cristy, sabihin mo lang…at gagamitin natin ang anting-anting na sinasabi ko.”


“Bukas po pagkatapos ng klase natin, handa na ako, Sir.”


Ang totoo, wala naman akong anting-anting. Diskarte ko lang ang lahat nang ito upang magkalakas ng loob na makapagtapat ng pag-ibig si Jhobeth kay Cristy. Tiyak na sasagot ng “Oo” ang dalaginding dahil sa natuklasan ko nang mag-usap kami. Naguguniguni kong magiging maligayang-maligaya ang mga batang ito, at ang kanilang suyuan bagama’t bubot pa, ay lalo pang magpapasigla sa kanilang pag-aaral.



KINABUKASAN, may dala akong isang boteng tubig. Palihim kong tinawagan si Jhobeth bago nag-umpisa ang klase. Nag-usap kami. Sinabi ko sa kanyang inumin niya ang tubig na isinalin ko sa baso. Bago niya ininom, kunwari’y binulungan ko ang tubig at saka hinipan. Bilib na bilib siya sa ginawa ko at sa tingin ko’y may lakas na siya ng loob na magpahayag ng pag-ibig kay Cristy.


“Mabisa ang tubig na ininom mo, Jhobeth. Pagkatapos ng klase natin, magtapat ka na kay Cristy…at siguradong-siguradong makakamtan mo ang kanyang pag-ibig.”


“Opo, Sir. Gagawin ko ang sinabi n’yo.”


Tila isang guererong may mabisang agimat, sugbang-balang na nagpahayag ng pag-ibig si Jhobeth kay Cristy. At tulad ng inaasahan, nakamtan niya ang matamis na “Oo” dalagitang sinisinta. Nang sumunod na araw, kapuwa may kislap sa kanilang mga mata at sa tingin ko’y masayang-masaya sila.


Lalo pa silang naging masigasig sa kanilang pag-aaral. Sa taong pampaaralang iyon, nagtapos na validectorian si Jhobeth at salitatorian naman si Cristy.



LABINLIMANG TAON ang matuling lumipas, at matagal-tagal na ring ako na ang punong-guro ng paaralang elementarya sa aming bayan. Naragdagan ang aking mga gawain at responsibilidad nguni’t patuloy kong kinalulugdan ang aking propesyon.


Laking sorpresa sa akin nang isang araw ay may dumating na panauhin sa aking tanggapan. Sila ang dati kong mag-aaral na sina Jhobeth at Cristy. Nagbatian kami at nagyakapan. Tuwang-tuwa ako sa muli naming pagkikita-kita pagkatapos ng maraming mahahabang taon. Nagkatuluyan pala sina Jhobeth at Cristy at tatlo na ang kanilang mga anak. Napag-alaman kong si Jhobeth ay isa nang mahusay na abogado at si Cristy naman ay isa nang dalubhasang doktora.


“Jhobeth, Cristy, I’m very proud of you both. Tagumpay kayo sa buhay!”


“Ang lahat pong ito,” sabi ni Jhobeth, “ay dahil sa inyong walang pagod na paggabay at pagtuturo sa amin noong kami’y mga mag-aaral pa ninyo. Marami pong salamat.”


“Saka po,” sumabat si Cristy, “maraming-maraming salamat din, Sir, sa mabisa ninyong anting-anting.” Nagkatawanan kami.


“Paano mo naman nalaman, Cristy, ang tungkol sa anting-anting?” usisa ko.


Lumuwang ang pagkakangiti ni Cristy at lumitaw ang magagandang biloy sa magkabilang pisngi. “Bago po kami ‘kinasal ni Jhobeth, ikinumpisal n’ya po sa akin na ginamitan ako ng anting-anting upang mapasagot ng “Oo.”


“Ano’ng ginawa mo matapos na mangumpisal sa ‘yo si Jhobeth?”


“Siyempre po, Sir, iginawad ko sa kanya ang bendisyon ng pagpapatawad, dahil mahal ko siya,” namungay ang kanyang mga mata. “Maligayang-maligaya po kami ni Jhobeth sa bisa at epekto ng super power ng anting-anting n’yo, Sir.


Ang simpleng tawanan naming tatlo ay nauwi sa matunog na halakhakan!


Pahina  [1]  [2]  [3]  [4]  [5]

Mga tula at iba pang kathang handog sa OFWs: Bayani at biktima sa sariling bansa at sa ibayong dagat.

affiliate_link

Copyright 1976-2019 © Rafael A. Pulmano |  Contact

affiliate_link